10.10.2009

Rain, Rain, Go Away Come After Election Day

Matatandaan na may mga nanawagan kay Kalihim Gilbert Teodoro na kinakailangan na magbitiw na siya sa kaniyang posisyon sa Gabinete mula noong inihayag niyang may nais siyang tumakbo para sa pagkapangulo.

Pero ilang bagyo na ba ang dumaan mula noong araw na iyon?

Mukhang marami-rami na at ang ilan pa sa mga iyon ay ang mga pinakamalakas ang hagupit sa bansa. Sa sobrang lakas, ay nagawa ng mga ito na bahain ang kalakhang Maynila at ang hilang Luzon at kasamang napalutang ng mga ito ang pangalan ni Gibo. Bilang kalihim ng Pambansang Tanggulan (DND) at siya rin ang Chairman ng NDCC, kinakailangan lamang na tugunan niya ang mga pangangailangan ng mga nasanlata ng mga nagdaang sakuna. Dahil diyan ay pakiramdam ng nakararami na tumataas lalo ang kaniyang popularidad na maaaring makatulong sa kaying pagkandidato sa darating na halalan.

Maganda ang nagiging pagpapalakad ni Teodoro sa mga operasyong pagtulong at pagsagip sa mga nasalanta at alam naman ng lahat na ginagawa lamang ng Kalihim ang kaniyang trabaho, subalit sa kabilang banda ay pumapabor para sa kaniya ang mga kaganapan sa bansa lalo pa't papalapit na ang araw ng pagsumite ng mga kakandidato.

Kulang-kulang isang buwan na lamang ay kinakailangan na rin ni Gibo na magsumite sa COMELEC ng kaniyang CoC dahil bilang standard bearer ng Lakas-Kampi-CMD. Ngunit, gaano pa katagal, bago siya magbibitiw sa puwesto?

Anong mangyayari kung may bagyo na namang dumating at nasa Gabinete pa siya? Kung ganoon ang magiging sitwasyon sa bansa, hindi magiging madali paghalili sa kaniya sapagkat nasa gitna ng krisis ang lahat sa mga ganoong pagkakataon.

Kung maaari lamang, sana makapagbitiw na siya bago pa mahuli ang lahat at sana'y wala ng sakuna ang dumating sa bansa.

Panigurado, isang malaking sakuna na naman iyon.